Muling nagreklamo ang China dahil sa paglapit ng United States sa mga artificial island nito sa South China Sea.
Ito, ayon sa China, ay paglabag sa kanilang soberenya.
Naganap ang umano’y paglabag ng United States nang lumagpas ang isang US military flight sa isang pinag-aagawang air space malapit sa mga isla.
Ngunit ayon sa United States, hindi naman nito sinadyang mapalapit sa 12 nautical miles ng mga isla at hindi bahagi ng freedom of navigation mission ang nasabing flight.
By: Avee Devierte