Hindi pa dapat ika-alarma ang bahagyang pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.
Ito ang tugon ng OCTA Research Group matapos ang magkakasunod na araw na bahagyang pagtaas ng kaso.
Ayon kay OCTA Research Fellow, Dr. Guido David, hindi pa malinaw ang kabuuan ng kasalukuyang COVID situation lalo’t maaaring pansamantala lamang ang paglobo ng kaso lalo sa Metro Manila.
Maaari anyang dahilan nito ang holiday season kung saan mas maraming tao ang lumalabas at posible rin namang bumaba muli ang COVID cases sa sandaling matapos na ang mga pagdiriwang. —sa panulat ni Drew Nacino