Asahan na muli ang pagpapadala ng mga manggagawang Filipino sa Israel makaraang humupa na ang sigalot bunsod ng ceasefire sa pagitan ng naturang bansa at palestinian militant group na Hamas.
Ipinag-utos ni Labor Secretary Silvestre Bello ang pagtanggalsa temporary deployment suspension sa Israel alinsunod sa rekomendasyon ng Department of Foreign Affairs.
Ayon kay Labor Secretary Bebot Bello, mababa na ang bilang ng karahasan sa pagitan ng Israel defense force at hamas simula nang ipatupad ang tigil-putukan noong May 1.
Tinatayang 1K Overseas Filipino Worker ang makikinabang sa naturang hakbang.
Base sa datos ng Overseas Workers Welfare Administration, nasa 30K pinoy ang nagtatrabaho sa Israel. —sa panulat ni Drew Nacino