Hinikayat ni Sen. Francis Kiko Pangilinan ang Commission on Elections (COMELEC) na pag-aralan kung kakayanin pang palawigin ang voters registration para sa 2022 national at local election.
Ayon kay Pangilinan makabubuti kung mas mapapalawig pa ng 30 hanggang 45 araw o hanggang 60 araw ang itinakda na Setyembre 30 deadline sa voters registration
Malaki aniya ang maitutulong nito para mas mahikayat ang maraming botante na magparehistro.
Dagdag pa ni Pangilinan makakapagpaalala rin at makahihikayat ng botante ang nakatakdang filing ng Certificate Of Candidacy sa Oktubre 15.
Batay sa datos ng COMELEC, umaabot sa mahigit 73 milyon ang voting population ng bansa, ngunit sa ngayon ay nasa 58 milyong rehistradong botante.—ulat mula kay Cely Ortega-Bueno