Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng muling isailalim sa lockdown ang buong bansa sakaling makapasok at kumalat sa Pilipinas ang new COVID-19 strain na unang namataan sa United Kingdom.
Sa ipinatawag na pagpupulong kagabi ni Pang. Duterte, sinabi nito na isang opsyon ng pamahalaan ang muling pagpapatupad ng malawakang lockdown lalo na kung magkakaroon ng pagtaas ang bilang ng new variant cases.
Bunsod nito, nilinaw naman ng Chief Executive na dedepende sa paglala ng infection cases ang pagsasailalim ng bansa sa panibagong lockdown.
Dagdag pa ng Pangulo, na isang seryosong problema kapag dumami ang kaso ng new variant at walang makitang lunas o antidote para dito.