Ikinatuwa ng mga indigenous communities at maging ng mga lider ng business at labor sectors ang ginawang pagtanggal ng gobyerno sa apat na taong open-pit mining ban sa bansa.
Ayon kay tribal leader Bai Dalena Samling, dahil sa desisyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay parang dininig ang matagal nang dasal ng Blaan community at T’boli people sa Tampakan, South Cotabato.
Ang bayan ng Tampakan ay sinasabing sagana sa copper deposits.
Matatandaang naglabas ng administrative order si DENR Secretary Roy Cimatu noong Disyembre 23 kung saan tuluyan nitong inalis ang open-pit mining ban na ipinatupad noong 2017 ng dating kalihim ng ahensya na si Gina Lopez.