Muling sasampa ng ring si longest reigning Filipino boxing champion Donnie “Ahas” Nietes sa Abril 29.
Makikibagbasagan ng mukha si Nietes kay Komgrich Nantapech ng Thailand para sa bakanteng IBF Flyweight Championship sa Pinoy Pride 40: Domination sa Cebu City.
Magugunitang tumalon si Nietes mula light flyweight pataas ng flyweight division nang pataubin niya si Edgar Sosa sa pamamagitan ng unanimous decision noong 2006.
Kung papalarin ay ito na pangatlong world title ni Nietes sa tatlong magkakaibang weight division na kinabibilangan ng minimumweight, light flyweight at flyweight.
Makakasama naman ni Nietes sa fight card si Mark “Magnifico” magsayo na haharap kay Issa Nampepeche habang si Jeo Santisima ay sasagupa kay Master Suro ng Indonesia.
By Jelbert Perdez