Idinipensa ni MMDA Chairman Benhur Abalos ang pagsailalim sa Metro Manila sa ECQ simula Agosto 6 hanggang 20.
Ayon kay Abalos batay sa pagtaya ng health experts ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ay posibleng pumalo sa 28,000 sa Agosto 15 mahigit 85,000 sa Agosto 31.
Mahigit 234,000 sa Setyembre 15 at mahigit kalahating milyon na sa Setyembre 30 dahil sa pagpasok ng mas delikadong delta variant ng coronavirus.
Kaya naman binigyang diin ni Abalos na dapat magtulungan ang lahat para na rin sa kaligtasan kontra COVID-19 partikular sa delta variant nito.
Kasabay nito sinabi ni Abalos na isa ang usapin ng liquor ban sa tinututukan pa ng metro Manila Mayors at target nilang magpalabas ng mga panuntunan hinggil dito.