Kailangan munang dumaan sa proseso ng senado upang muling lumahok sa International Criminal Court ang Pilipinas.
Ito ang binigyang diin ni Sen. Ronald Bato dela Rosa matapos ihayag ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang posibilidad na muling bumalik sa ICC ang bansa.
Paliwanag ng senador, na daraan pa rin ito sa tamang proseso at matapos na ratipikahan ng pangulo ay kailangang ayunan ng senado sa pamamagitan ng two-third votes.
Dagdag pa ni Senador dela Rosa, sa oras na nabigo ang proseso ay back-to-zero o maaaring ideklara itong unconstitutional.
Kailangan anyang respetuhin ang desisyon ng pangulo na hindi dapat payagan ang ICC na bumalik sa bansa.