Masasaksihan na sa isang pambihirang pagkakataon ang pagsasama muli ng dalawang pinakamataas na opisyal ng bansa graduation ceremony ng Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio city, ngayong araw.
Magsisilbing guest of honor si Pangulong Rodrigo Duterte sa graduation rites ng PMA class of 2017 at igagawad ang presidential saber kay cadet first class Rovi Martinez, mula sa isandaan animnapu’t pitong kadete.
Si Martinez ang ika-apat na babaeng valedictorian sa kasaysayan ng PMA.
Samantala, igagawad naman ni Vice President Leni Robredo ang Vice Presidential saber kay cadet first class Philip Viscaya, na salutatorian ng SALAKNIB class of 2017.
Ito rin ang unang beses na magkikita at magsasama sina Duterte at Robredo simula nang mag-resign ang pangalawang pangulo sa gabinete bilang chairperson ng Housing and Urban Development Coordinating Council.
By Drew Nacino