Nangangamba si Senator Imee Marcos na samantalahin ng mga terorista ang pagiging abala ng militar at pulisya sa pamamahagi ng social amelioration program (SAP) ng pamahalaan.
Ayon kay Marcos, malakas makahikayat ng rebelyon ang mga international terrorist group tulad ng isis lalo na ng mga kabataang muslim na dismayado sa pagkakabalam ng ayuda mula sa pamahalaan.
Kasabay ng ikatlong anibersaryo ng Marawi siege, sinabi ni Marcos na dahil sa mabagal na paghahatid ng tulong ay sumiklab muli ang panibagong insidente ng karahasan sa Mindanao.
Iyan talaga ang malaking problema kasi ‘di gaano natutulungan, Panay ang release ni Presidente Duterte diyan pero parating may techical problem. Hindi ko nga maintindihan, kesyo bumagsak ‘yung bidding; kesyo na hindi qualified ‘yung China. Eh ang akin naman kausapin nalang ‘yung komunidad, kasi ‘yung mga Maranao kung iisipin mo hindi naman mga warrior class ‘yan mga trader ‘yan at marunong mag hanap buhay mga ‘yan. Hindi ‘yan mga pulubi. ani Marcos
Ito ang dahilan kaya’t isinusulong ng senadora na Chairperson ng Senate Committee on Cultural Communities ang Senate bill 410 o ang panukalang pamamahagi sa bahagi ng military reserve para sa mga residente ng Marawi.
Giit ni Marcos, may kapangyarihan si pangulong rodrigo duterte na patituluhan ang mga naturang lupain at upang makamit ang pangako ng pangulo na pabilisin ang rehabilitasyon ng lungsod.
Eh Simple lang iyan para sa akin. Eh military zone daw, so lahat ng titulo daw ay peke; eh para sa akin kung military? iibigay ng gobyerno tapos. Matagal na hindi na military iyan, matagal nang tinitirahan ng iba’t ibang angkan eh hayaan mo sila at ibigay na ‘yung titulo; Provisional title muna eh ganyan nagumpisa kung tutuusin diyan sa Quezon City atchaka sa Maynila, Caloocan ang dami-dami diyan purong walang titulo noong Dekada ’70. ani Marcos sa panayam ng DWIZ