Muli na namang magtataas ng presyo ng kanilang produktong petrolyo ang mga oil company sa bansa sa susunod na linggo.
Ayon sa source mula sa industriya ng langis, posibleng umabot sa 30 sentimo hanggang 35 sentimo ang itataas sa kada litro ng diesel.
Habang 80 sentimo hanggang 90 sentimo naman ang inaasahang madadagdag sa kada litro ng gasolina.
Ipatutupad umano ang oil price increase sa Martes, ika-12 ng Enero.