Welcome sa Teachers Dignity Coalition ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala munang face-to-face classes hangga’t hindi pa nababakunahan ang lahat.
Ayon kay TDC Chairperson Benjo Basas, tiyak naman na ang naging desisyon ng pangulo ay batay sa pag-aanalisa at rekomendasyon ng mga eksperto.
Gayunman ani Basas, dapat na maging handa pa rin ang Department Of Education sa mga posibleng kahaharaping problema.
Sinabi ni Basas, sa nakalipas na buwan kung saan umiral ang online classes, marami ang dapat matutunan at baguhin para mas mapag-ibayo pa ang ganitong uri ng sistema ng edukasyon sa bansa.
Ilan aniya sa mga maaari pang i-improve ay ang internet connectivity at module.
‘Yun yung isang wise decision din naman ano na masasabi natin all the board of course, the deped should be prepared don sa maaring ah kaharaping ulit na mga problema like ah.. Of course itong mga dinanas natin ano since October yun naman ang challenge no ng Department of Education.’
‘Well kung gusto po natin talaga na maayos ito, ayusin natin ano yung access ng mga bata, yung mga teacher din ano doon sa internet connectivity at doon po sa tinatawag natin na mga gadgets so kinakailangan, sagutin po natin yan, kung ang binigay po natin na platform ay online no so yung teacher natin bibigyan natin ng mas maayos na supply no like libreng internet connection at libreng laptop din ano, pangalawa.. Don naman po sa modular abay siguraduhin natin no na yung modules natin ay dumadating on time.. Ang modules natin ay naibibigay natin sa bawat isang bata lalo na sa mga bata na nasa malayong mga lugar.’ Ani Basas sa panayam ng DWIZ.