Kumporme si Senate President Vicente Sotto III sa pahayag ng Malacañang na maaaring muling ipasuspinde ng pangulong Rodrigo Duterte ang isinusulong na pag-terminate sa US Visiting Forces Agreement (VFA).
Ayon kay Sotto magbibigay ito ng pagkakataon sa ating gobyerno para marepaso, muling mapag-aralan at masuri ang ating defense relationship sa Estados Unidos.
Matatandaan na ang pagkansela sa US visa ni Senator Ronald Dela Rosa ang nag-udyok sa Pangulo para isulong ang pag basura sa VFA.
Bagamat nagpadala na ang ating gobyerno sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng notice of termination sa pamahalaang Amerika pero pinasuspinde muna ito ng pangulo ng anim na buwan matapos ang COVID-19 pandemic na patuloy nating kinakaharap sa ngayon.
Una rito, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na may opsyon ang Pangulo na palawigin muli ng anim na buwan ang pagsuspinde sa isinusulong na terminasyon ng VFA bagay na sinang-ayunan ni Sotto. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)