Lumalabas sa pag-aaral ng DOH-NCR na napakahalagang matutukan ang pagkontrol ng nag-uumpisa nang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 partikular na ang Delta variant.
Ayon kay DOH-NCR. Epidemiology and Surveillance Unit Head, Dr. Manuel Mapue, kailangang maagapan ngayon pa lamang ang posibleng pagkalat pa ng virus sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
Napaka-importante anyang patuloy na pairalin ang mahigpit na protocol, pagdating sa quarantine lalo ang Prevention, Detection, Isolation, Treatment and Reintegration (PDITR) strategies at contact tracing.
Ipinunto ni Mapue na dapat nang isama sa contact tracing ang third generation contacts dahil base sa kanilang pag-aaral, may mga nangyayari nang infection cases kahit sa mga second generation contacts pa lamang. —ulat mula kay Drew Nacino