Nagbabala ang Department of Energy o DOE sa posibleng pagtaas ng singil sa kuryente sa mga susunod na buwan.
Ito’y dahil sa tumataas na demand sa enerhiya ngayong panahon ng tag-init o summer season.
Samantala, naibalik na sa normal ang sitwasyon ng Luzon Grid makaraang isailalim ito sa yellow alert dahil sa aberyang dinanas ng Sual Power Plant.
Gayunman, binabantayan pa rin ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP ang paglakas ng demand sa kuryente ngayong araw.
By Jaymark Dagala