Kinondena ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang muling pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay PISTON president Mody Floranda, ang pabago-bago sa presyo ng langis ay nagpapakita ng patuloy na panlilinlang ng mga kartel sa langis.
Sinabi ni Floranda na ang ginagamit pang krudo ay nabili umano sa mas mababa o murang halaga.
Dagdag pa ni Floranda na maraming mga tsuper at jeepney operators ang hindi parin nakatatanggap ng fuel subsidy.
Sa ngayon, patuloy paring nananawagan ang naturang grupo na suspindehin ang excise tax sa mga produktong petrolyo upang mapakinabangan hindi lang ng mga driver at jeepney operators kundi pati narin ang mamamayan. —sa panulat ni Angelica Doctolero