Iginiit ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babes” Romualdez na hindi kailangan ang muling pagtatatag ng military bases ng Amerika sa Pilipinas.
Ito ang nilinaw ni Romualdez sa kabila ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa niyang buksan ang mga pasilidad ng pilipinas para sa US sakaling umabot sa asya ang sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ayon kay Romualdez, hindi na kailangan ng panibagong tratado upang muling makapagtayo ang Estados Unidos ng kanilang base militar sa bahagi ng Pilipinas dahil pansamantala lamang naman ang probisyon ng mga pasilidad.
Taong 1991 nang ibasura ng senado ang panukala na magpapalawig sa kasunduan sa presensya ng American Military bases sa Pilipinas.