Kasabay ng selebrasyon ng ika-32 anibersaryo ng “AFP Code of Conduct”, muling nanumpa ang mga miyembro ng Philippine Army upang sariwain ang kanilang pangakong katapatan, kagitingan, debosyon sa tungkulin, pagkakaisa, pagmamahal sa bansa, at katapatan sa konstitusyon.
Kabilang sa mga naging aktibidad ay ang pagbabasa ng mensahe ni Chief of Staff AFP LT. Gen. Bartolome Vicente Bacarro sa pamamagitan ni Army Chief of Staff Maj. Gen. Roberto Capulong.
Binigyang diin nito na ang AFP Code of Conduct ang naging “Moral Compass” ng AFP sa mga pagbabago at hamon na nangyari sa mga nakalipas na taon.
Ito rin aniya ang nagbigay ng lakas at nagpatatag ng kredibilidad sa afp bilang isang organisasyon.
Isinagawa ang panunumpa sa Army headquarters sa Fort Bonifacio gayundin sa iba’t ibang army unit at tanggapan sa mga kampo ng militar sa buong bansa sa pamamagitan ng video teleconferencing. —ulat mula kay Tina Nolasco (Patrol 11)