Itutuloy ng gobyerno ng Pilipinas ang naudlot na usapang kapayapaan sa kilusang komunista.
Ayon kay Government Chief Negotiator at Labor Secretary Silvestre Bello III, nag-uusap na sila ni NDF o National Democratic Front Peace Panel Head Fidel Agcaoili para maisakatuparan muli ang peace talks.
Batay sa taya ni Bello, posibleng matuloy ang usapang pangkapayapaan sa ikatlo o huling linggo ng Agosto para sa hinahangad na kapayapaan sa bansa.
Pero bago nito, sinabi ni Bello na magkakaroon muna sila ng impormal na pag-uusap sa huling linggo ng Hulyo para mailatag ang mga dapat pag-usapan sa socio economic reform at interim ceasefire.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Secretary Silvestre Bello III
By Ralph Obina
*OPAPP Photo