Umabot sa P278-M ang binayarang multa ng pamahalaan para sa mga naantalang pagpapatupad ng mga proyektong pinopondohan ng Official Development Assistance (ODA).
Batay ito sa taunang audit report ng Commission on Audit (COA) para nitong 2018.
Ayon sa COA, pinakamalaking multa ang binayaran para sa 19 na loans para sa mga proyektong ipatutupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Mahigit 80% ng kabuuang multa ay ibinayad sa Asian Development Bank, Japan International Cooperation Agency at International Bank for Reconstruction and Development.
Karaniwang pinagmumulta ng mga dayuhang financial institutions para sa mga pagkakautang na nananatiling hindi nagagalaw dahil sa hindi naipapatupad na proyekto kung saan ito nakalaan.