Ilalatag na ng MMDA o Metro Manila Development Authority sa Metro Manila Council na binubuo ng Metro Mayors ang panukalang doblehin na ang multa sa mga traffic violations.
Ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos, bagamat maganda itong ipatupad sa buong bansa, nais niyang mauna na ang Metro Manila dahil sa patuloy na pagdami ng sasakyan.
Binigyang diin ni Orbos na sampung (10) taon na rin ang nakakaraan mula nang huling itaas ang multa sa mga traffic violations.
At dahil anya sa maliit ang multa, hindi na ito ini inda ng mga mahilig lumabag sa batas trapiko.
Bahagi ng pahayag ni MMDA GM Tim Orbos
Nakatakda ring imungkahi ni Orbos sa Land Transporation Franchising and Regulatory Commission na suspindihin ang prangkisa ng mga commercial trucks na malimit masangkot sa aksidente at paglabag sa batas trapiko.
Pinuna ni Orbos na nitong mga nakalipas na araw , madalas masangkot sa multiple coalition ang mga trucks na nagiging dahilan pa ng mas lalong pagsisikip ng daloy ng trapiko.
Bahagi ng panayam ni MMDA GM Tim Orbos
By Len Aguirre | Ratsada Balita (Interview)