Maglulunsad ng multi-species marine hatchery ang Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) sa Jose Dalman, Zamboanga del Norte.
Sa naganap na groundbreaking ceremony ng ahensya, isasagawa ang nasabing proyekto sa pamamagitan ng Republic Act No. 10859 na may layuning matulungan ang mga mangingisda at mga residente sa Zamboanga Peninsula sa produksiyon ng isda na ini-import sa Indonesia.
Ang nasabing proyekto ay inaasahang makakapag-produce ng 25.9 million na bangus larvae; 10 million na bangus fry; 2 million larvae at 2.7 million na pompano fry; at 1.5 million na mangrove crabs sa loob lamang ng isang taon.
Sakaling maitayo na ang naturang hatchery, dalawa hanggang tatlong taon itong pamumunuan ng BFAR bago iturn-over sa local government unit ng Jose Dalman.