Positibo ang Malakaniyang sa resulta ng ginawang clearing operations ng militar sa Marawi City sa harap ng manaka-nakang bakbakan sa Maute Terror Group.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nasa apat na lamang mula sa 96 na barangay sa lungsod ang nananatiling hawak ng mga terorista.
Di hamak na mas maliit na aniya ito kumpara nuong unang sumiklab ang bakbakan at patuloy pa aniyang lumiliit ang saklaw ng mga ito sa paglipas ng mga araw.
Doble na ang pag-iingat ng mga tropa ng gubyerno ayon kay Abella dahil ginagamit ng mga terorista ang mga sibilyan bilang human shield at ginawang taguan ng mga ito ang mga Mosque gayundin ang mga Madrasahs.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping