Suportado ng Department of Science and Technology (DOST) ang paggamit muli ng nuclear power bilang tugon sa iba pang pangangailangan ng bansa.
Ito’y dahil pa rin sa kinakaharap na mataas na presyo ng kuryente.
Sinabi ni DOST Secretary Renato Solidum, bukas ang ahensiya sa nasabing mungkahi para sa isang science based technology at para makatulong na rin sa pagresolba sa mga kinakaharap na hamon ng bansa.
Maliban dito, kinokonsidera rin ng ahensiya ang paggamit ng nuclear energy para sa kanilang energy mix.
Iginiit ni Solidum sakaling matuloy ang paggamit ng nuclear energy ng bansa, susuportahan naman ito ng DOST sa pangunguna ng Department of Energy (DOE).