Nanindigan ang isang opisyal ng CBCP o Catholic Bishops Conference of the Philippines na hindi magiging katanggap-tanggap ang mungkahi ng isang mambabatas na patayin na lamang ang mga kriminal sa lansangan habang hindi pa inaaprubahan ang death penalty.
Ayon kay CBCP Permanent Committee on Public Affairs Executive Secretary Father Jerome Ceciliano, marami pang ibang paraan na makatwiran at mas makatao upang labanan ang iligal na droga at ang laganap na kriminalidad sa bansa.
Tinukoy ni Father Ceciliano ang reporma sa sistema ng pagpapatupad ng katarungan at ikulong ang mga nahatulang guilty sa halip na patayin.
Sinabi ng nasabing pari, kailangang palakasin ng Administrasyong Duterte ang penal at jail management systems para magkaroon ng epektibong reporma sa mga bilanggo.
Mariing binatikos ang panunumbalik ng barbaric sa ating bansa kung matutuloy ang mga plano.
By: Avee Devierte / Aya Yupangco