Walang nakikitang problema si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa rekomendasyon ng Metropolitan Manila Development Authority na gawing alas syete ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon ang pasok ng mga ahensya ng gobyerno.
Sinabi ng Pangulo, na pinag-aaralan nila ito kung maaari itong gawin.
Gayunpaman, binigyang-diin ng Pangulo na hindi sapat na tanging ang mga ahensya lamang ng pamahalaan manggaling ang mungkahing ito.
Kailangan din aniyang kuhanin ang punto de vista rito o opinyon ng publiko o mga pasahero na siyang maapektuhan ng panukala.
Una nang itinutulak ng MMDA, na ia-adjust ang pasok sa trabaho ng mga nasa gobyerno, mula alas-siyete ng umaga hanggang alas-kuwatro ng hapon, upang hindi magkasabay-sabay ang pasok ng lahat at maiwasan ang matinding trapiko sa Metro Manila. - Mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)