Ibinasura ni Anti-Insurgency Task Force Spokesperson, Undersecretary Lorraine Badoy ang hirit ng Makabayan bloc na buhayin ang peace talks sa NDF-CPP-NPA matapos ang landmine attack sa Masbate.
Ayon kay Badoy, hindi dapat gamitin ng ilang makabayan bloc member ang pagkamatay sa landmine explosion ni FEU football player Kieth Absalon at pinsan nito sa masbate upang kumbinsihin ang gobyerno na bumalik sa negosasyon sa rebeldeng grupo.
Nakasusuka anyang pumasok sa “piss” talks nang may sinseridad gayong nagpapatuloy ang pagpatay ng NPA sa mga kawani ng gobyerno at sibilyan.
Iginiit ni Badoy na hindi na nahiya ang mga nabanggit na mambabatas sa paggamit ng mga ito sa pagkamatay ng dalawang biktima upang isulong umano ang layunin ng CPP sa pamamagitan ng pag-manipula sa pamahalaan upang buhayin ang peace talks.—sa panulat ni Drew Nacino