Kinontra ng Malacañang si Senador Panfilo Lacson sa mungkahi nito na gamitin ang mutual defense treaty (MDT) ng Pilipinas at Amerika sa Recto Bank incident.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, maaari lamang gamitin ang MDT kung mayroong armed agression laban sa Pilipinas.
Malinaw naman anya na hindi maituturing na armed agression ang pagkakabangga ng Chinese vessel sa bangkang pangisda ng mga Pilipino sa Recto Bank.
Una rito, sinabi ni Lacson na nakakadurog ng puso ang agarang pagsuko ng Pangulong Rodrigo Duterte sa China gayung hindi pa nya nagagamit ang lahat ng paraan para soplahin ang China tulad na lamang ng MDT.