Umangal ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) sa mungkahing gawing holiday ang Mayo 14, ang kasunod na araw matapos ang eleksyon.
Ayon kay Sergio Ortiz, pangulo ng ECOP, bukod sa napakarami nang holiday sa Pilipinas, malaking perwisyo rin sa mga negosyante sakaling hindi naman magkatotoo ang pangamba na maging manipis ang suplay ng kuryente sa araw ng bilangan ng mga boto.
Una rito, nagpahayag ng pangamba ang Department of Energy na biglang tumaas ang demand sa kuryente pagbalik ng mga manggagawa sa trabaho pagkatapos ng eleksyon na masasabay sa canvassing ng mga boto.
Parang kulang ‘ynug anticipation nila e. Hindi nila masyadong naplano, eh, at kulang ‘yung ating mga sources ng energy, dapat sana ay ‘yan ay napapaghandaang mabuti. Kaya lang, hindi masyadong napagtuunan ng pansin noong nakakaraan.” paliwanag ni Ortiz.
Ratsada Balita Interview
ECOP, dudang pakikinggan ang petisyong taas-sahod sa mga manggagawa
Duda ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na pakikinggan ng wage board ang mga bagong petisyon para itaas ang sahod ng mga manggagawa.
Ayon kay Sergio Ortiz, pangulo ng ECOP, wala pang anim (6) na buwan mula nang ibigay ang P25 na dagdag sa minimum wage sa Metro Manila.
Una rito, ilang labor groups ang naghain ng petisyon upang gawing P710 ang minimum wage mula sa kasalukuyang P537.
99.6% ng ating mga kumpanya ay micro, small and medium. ‘Yung small, medium tiyaka large eh mga 10% lang ‘yun e. 90% ‘yung micro, ‘yan eh marami na eh, kaya nga sisingap-singap at maliliit ‘yan. Anything na maga-add sa kanilang ano ay mahihirapan sila. ‘Yung mga malalaki, okay lang ‘yon, kaya nila ‘yan…” paliwanag ni Ortiz.
Ratsada Balita Interview