Kinontra ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang inihaing Passport Act of 1996 ni Senator Raffy Tulfo na layong bigyan ng lifetime validity passports ang mga senior citizen.
Ayon kay Foreign Assistant Secretary for Consular Affairs Henry Bensurto, hanggang 10- taon lang ang bisa ng passports at travel documents na inirerekomenda ng International Civil Aviation Organization.
Hindi rin kailangang aprubahan ang panukala dahil may nakatalagang special lane para sa matatanda sa alinmang DFA Consular Office.
Sa ngayon, bagaman nirerespeto ang kapangyarihan ng senado, iminungkahi ng DFA na ibasura na ang naturang panukala.