Pag-aaralan ng Task Force Bangon Marawi ang mungkahi ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na mag-donate ng manok sa mga evacuee sa Marawi City.
Kasunod na rin ito nang pagbagsak ng presyo ng poultry products sa Central Luzon dahil sa bird flu.
Ayon kay OCD o Office of the Civil Defense Assistant Secretary Kristoffer James Purisima kailangang pag-usapan muna ang plano ni Piñol dahil kailangan ding isaalang-alang ang kaligtasan ng mga evacuee.
Sinabi pa ni Purisima na ipauubaya nila sa Department of Health o DOH ang pag-determina kung ligtas na ipamigay ang mga manok dahil sa bird flu.
Una nang inihayag ni Piñol na maraming supply ng manok ngayon sa pamilihan kayat sa halip na masayang ay i-donate na lamang sa Marawi City para mapakinabangan.
By Judith Larino / (Ulat ni Aileen Taliping)
SMW: RPE