Malabo ang mungkahing gawin sa Marawi City ang ikalawang SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na buwan.
Ito’y kasabay ng pagtatapos ng idineklara niyang Martial Law sa buong Mindanao matapos sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng militar at ng Maute Terror Group.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi angkop ang kundisyon sa Marawi City para sa isang seryosong aktibidad ng Pangulo tulad ng SONA o ulat sa bayan.
Makabubuting isipin na lamang sa ngayon ang usapin ng seguridad maging sa kaligtasan ng mga dadalong bisita kung mangyayari man ito dahil kadalasan ito ng ginagawa sa Batasang Pambansa.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping
Mungkahing sa Marawi gawin ang ikalawang SONA ng Pangulo imposible ayon sa Palasyo was last modified: July 1st, 2017 by DWIZ 882