Nakatakda nang talakayin sa Kamara ang mungkahing umento sa sahod.
Ayon kay 1-PACMAN Party-list Representative Enrico Pineda, sa Marso 17 ilalatag ang pag-amyenda sa Labor Code of the Philippines.
Anila, dito na nila isasabay ang usapin sa hiling na wage increase.
Giit ni Pineda, napapanahon na para itaas ang sahod ng mga manggagawa lalo na’t nasa gitna ang bansa ng tumataas na presyo ng pangunahing bilihin at nagpapatuloy na pandemya.
Kung hindi pa tataasan ang sahod, hindi makakasabay ang maraming manggagawa sa nararanasang krisis.
Kaugnay nito, inihayag ni Pineda na noong unang kwarter pa ng taong 2020 nang talakayin sa Kongreso ang umento sa sahod pero hindi ito natapos.
Matatandaang nitong nakaraan, ipinasisilip ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang posibleng wage hike sa lahat ng wage boards sa bansa.—sa panulat ni Abie Aliño-Angeles