Himalang nakaligtas ang Municipal Administrator ng Marilao, Bulacan makaraang tambangan at pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo.
Kinilala ang biktima na si Wilfredo Dela Cruz, 54 anyos.
Ayon sa Marilao Police, papasok na sa trabaho si Dela Cruz na lulan ng kulay puting mitsubishi montero nang biglang pagbabarilin ang passenger seat ng sasakyan, hindi naman natamaan ng bala ng baril ang biktima dahil siya mismo ang driver nito.
Narekober ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pinangyarihan ng krimen ang walong basyo ng cal. 45.
Samantala patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente. – sa panulat ni Mara Valle