Isinailalim na sa state of calamity ang munisipalidad ng Real sa Quezon dahil sa epekto ng pananalasa ng Super Typhoon Rolly at Typhoon Ulysses.
Batay sa nilagdaang resolusyon ni Vice Mayor Joel Diestro, maraming pamilya sa kanilang lugar ang nawalan ng bahay, kabuhayaan, pananim at palaisdaan.
Umaabot aniya sa kabuuang 9,125 indibiduwal o katumabs ng 21.22% ng tinatayang populasyon sa Real ang naapektuhan ng mga bagyong Rolly, Ulysses.
Sa ilalim ng state of calamity, maaaring magamit ng lokal na pamahalaan ang 30% ng quick response fun ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management.
Mas magiging madali rin ang pagkuha ng tulong ang munisipalidad ng Real mula sa national government at iba pang mga pribadong ahensiya.