Naka-lockdown na ang Munisipyo ng Bayan ng Camalig, Albay makaraang mag-positibo sa COVID-19 ang 28 nitong empleyado.
Kinumpirma ni Mayor Carlos Irwin Baldo na matapos ang isinagawang mas Antigen test sa 400 personnel, agad ipinasara ang gusali simula kahapon.
Ayon kay Baldo, nagkasakit kahapon ang isang empleyado sa one-stop-shop licensing activity at nagkaroon ng close contact sa iba pang personnel kaya’t ipinag-utos niya ang pagsasagawa ng test.
Ang mga nag-positibo ay sasailalim pa sa RT-PCR test upang maberipika kung dulot ng COVID-19 ang kanilang sakit.
Tiniyak naman ng Alkalde na magbabalik ang kanilang operasyon sa oras na matapos ang quarantine at RT-PCR test ng mga empleyadong nagkasakit.
Samantala, kanselado rin ang vaccination at tanging ang Municipal Disaster Risk Reduction Council ng Camalig ang nananatiling operational.