Kasado na simula ngayong araw, Mayo 30, ang lockdown sa municipal hall ng bayan ng Santo Tomas sa Davao del Norte.
Ayon kay Mayor Ernesto Evangelista, ginawa ang hakbang makaraang mag-positibo sa COVID-19 ang ilang empleyado ng lokal na pamahalaan.
Dahil dito, pinalawig na ang suspensiyon ng operasyon ng mga opisina sa Santo Tomas municipal government habang work-from-home muna ang karamihan sa mga manggagawa ng munisipyo.
Bukas naman ang mga tanggapan na may kinalaman sa health services at disaster preparedness.