Nakatakdang magpasa ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa ng resolusyon para sa pagbibigay parangal at pagkilala kay Tokyo Gold Medalist Hidilyn Diaz.
Ito’y para bigyang pagbpupugay ang tagumpay ng atleta para sa bansa.
Ang naturang hakbang ay kasunod ng pagsungkit ni Diaz ng kauna-unahang gintong medalya sa weightlifting category sa Tokyo Olympics.