Magsasagawa ng public hearing ang Muntinlupa City Council para imbestigahan ang water supply interruption na ipinatupad sa lungsod kung saan libo-libong residente at negosyo ang naapektuhan.
Ayon sa Muntinlupa City Government, iimbitahan sa pagdinig ang mga empleyado ng Maynilad na sangkot sa umano’y water interruption at hindi ang kanilang kinatawan.
Ilan sa mga paksang pag-uusapan ay ang pag-deploy ng maraming water tankers at payment holiday kung mawawalan ng tubig.
Sa ngayon, hinihintay na lamang mula sa city council secretary at chairman ng committe kung kailan gaganapin ang pagdinig.
Pinalawig pa ang water interruption sa Pebrero a-15 sa halip na sa Enero a-20 na unang inihayag. —sa panulat ni Abby Malanday