Iniimbestigahan na ng Muntinlupa Police ang kasong pananambang at pamamaslang kay Bureau of Corrections Legal Chief Atty. Fredric Anthony Santos.
Ayon kay Muntinlupa Police Chief Colonel Hermogenes Cabe, kabilang sa tinitignan motibo sa pamamaslang kay Santos ay ang posibilidad na may kinalaman ito sa usapin ng GCTA.
Kahapon, susunduin sana ni Santos ang kanyang anak na nag-aaral sa Southernside Montesorri School nang pagbabarilin hindi pa kilalang mga salarin.
Idineklara patay si Santos ng mga rumespondeng Muntinlupa rescue team.
Patapos na sana ang anim na buwang suspensiyon kay Santos na ipinataw ng Office of the Ombudsman dahil sa kanyang kaugnayan sa maling pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.