Ipinanawagan ni House Committee on Appropriations Chairperson at Ako Bicol Party-List Rep. Elizaldy Co sa Department of Information and Communication Technology (DICT) na ibaba ang halaga internet subscription at mas pabilisin ito.
Ayon kay Co, mahigit isang taon na kasi ang nakalilipas mula nang magkaroon ang bansa ng tatlong telecom provider na anila’y maghahatid ng mas mabilis at maayos na serbisyo sa mga konsumer ngunit hanggang sa ngayon wala pang nakikitang pag-unlad sa serbisyo ng mga ito.
Bunsod nito pinasisilip ng mambabatas sa DICT ang performance ng Smart, Globe at Dito internet service providers.