Nilinaw ng Malakaniyang na hindi nila binibigyang katuwiran ang polisiya ng importasyon ng bigas ng National Food Authority sa ibang bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dapat pa ring gampanan ng NFA ang tungkulin nito na bumili ng bigas sa mga lokal na magsasaka upang magkaroon ng sapat na suplay nito sa mga kamalig.
Magugunitang pinayagan ni Pangulong rodrigo Duterte ang pag-aangkat ng mahigit 250 libong metriko tonelada ng bigas mula Vietnam at Thailan makaraang maubos na ang suplay ng murang bigas sa mga pamilihan.
Dahil dito, sinabi ni Roque na asahan na ng publiko na bababa na rin ang presyo ng mga commercial rice sa merkado ngayong mayruon na muling suplay ng mga murang bigas mula sa NFA.
Ayon pa sa kalihim, mula sa dating 38 pesos kada kilong NFA rice, posible na aniyang makabili ang publiko ng murang bigas na nagkakahalaga ng 36 pesos kada kilo.