Binuksan na ng Department of Agriculture ang bigas sa Masa Tienda kasabay ng pagdiriwang ng Valentine’s Day kahapon.
Layon nitong makapagbenta ng murang commercial rice sa publiko sa harap na rin ng kakapusan sa suplay ng NFA Rice sa mga pamilihan.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, layon nitong alalayan ang mga magsasaka na maibenta ng mura ang kanilang bigas direkta sa mga mamimili.
Nasa 38 Pesos kada kilo ibinebenta ng DA ang commercial na mas mura ng 40 hanggang 60 Piso kumpara sa ibinebenta sa merkado.
Pero paglilinaw ng kalihim, panimula pa lamang ang ginawa nilang pagbebenta kahapon at plano nila itong ipakalat sa buong bansa sa mga susunod na araw.
Posted by: Robert Eugenio