Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang “Murang Kuryente Act”.
Sa ilalim ng House Bill no. 8869, kukunin ang 123 billion pesos mula sa Malampaya fund para ipambayad sa utang ng National Power Corporation o NPC na siyang ipinapatong sa buwanang electricity bill ng consumers.
Ayon kay 1-Care Rep. Carlos Roman Uybarreta, isa sa mga may akda ng panukala, humigit kumulang 115-120 pesos ang matitipid sa bayarin kada buwan ng mga may buwanang konsumo na 200 kwh sakaling maging epektibo ang house version ng Malampaya subsidy.