Magmumula sa national treasury ang pondong gagamitin para sa pagpapatupad ng Murang Kuryente Act.
Ito ang ipinabatid ni Energy Sec. Alfonso Cusi sa pagdinig ng house committee on appropriations kung saan sinabi nito na hindi kukunin sa panukalang 2020 budget ang implementasyon ng Republic Act 11371.
Sa ilalim ng nasabing bagong batas, maaaring mabawasan ng hanggang 200 piso ang bayarin sa kuryente ng mga konsyumer kada buwan.
Nabatid na aabot sa 2.3 billion pesos ang pondo para sa taong 2020 ng DOE at malaking bahagi umano nito ay para sa implementasyon ng electrification program.
Ang nasabing programa ang inaasahang magiging daan para maserbisyuhan ang mga malalayong lugar sa bansa na hindi pa naabot o kapos ang suplay ng kuryente.