Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11371 o Murang Kuryente Act.
Layon ng nasabing batas na mabawasan ang singil sa kuryente sa pamamagitan ng paglalaan ng pamahalaan ng net government share mula sa Malampaya Fund para ipambayad sa utang ng National Power Corporation na ikinakarga sa buwanang electric bill ng mga consumer.
Gagamitin ang 208 billion peso Malampaya Fund para sa pagbabayad sa stranded contract costs at stranded debt ng NAPOCOR.
Ang stranded contract costs ay ang contracted cost of electricity ng NAPOCOR sa independent power producer habang ang stranded debts naman ay ang hindi nabayaran na financial obligations nang isapribado ang NAPOCOR assets.
Tinatayang aabot sa halos 200 pesos ang mababawas sa buwanang bill ng mga consumer na kumu kunsumo ng 200 kilowatt hour.
Gagamitin din ang pondo para sa pagpo pondo sa exploration, development at exploitation ng iba pang energy resources.
Tinatayang aabot sa 16 milyong household ang makikinabang sa bagong batas.