Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang batas na naglalayong maibaba ang electricity rate sa bansa.
Sa ilalim ng Murang Kuryente Bill na iniakda ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, kukuha ng pondo ang pamahalaan mula sa share nito sa malampaya na ngayo’y nagkakahalaga na ng P270 billion.
Gagamitin ito bilang pambayad sa tinatawag na stranded cost at stranded debts, missionary electrification at environmental charges ng National Power Corporation o NAPOCOR.
Ayon kay Recto, makabubuting magamit na pambayad ang Malampaya fund sa mga nabanggit na items na kasalukuyang ipinapasa sa mga consumers sa pamamagitan ng universal charges sa buwanang electic bill.
Sinabi naman ni Senator Sherwin Gatchalian, co-author ng panukala, nasa .8474 kada kilowatt hour o katumbas ng P169.48 centavos kada buwan o P2,030 kada taon ang matitipid ng mga consumers kung magagamit ang Malampaya fund sa mga nabanggit na items sa buwanang bill.