Mararamdaman na ang Murang Kuryente Law na magbibigay ng mas murang kuryente sa mga consumer bago matapos ang taon.
Ayon kay Power Sector Assets And Liabilities Management Corporation (PSALM) President at Executive Officer Irene Besido – Garcia, gagamitin ang P208-B mula sa Malampaya fund para bayaran ang mga utang ng National Power Corporation (NAPOCOR) na dating ipinasa sa mga konsumer.
Dahil dito, nasa .86 centavos kada kilowatt hour o 172 pesos sa mga kumukonsumo ng 200 kilowatt hour ang sasaluhin ng Malampaya fund mula sa bayarin ng konsumer.
Paliwanag ni Garcia, sa kabuuan ay P428.8-B ang utang ng PSALM kaya kulang pa ang P208-B na manggagaling sa Malampaya.
Aniya, ang kulang ay pupunan mula sa mga ibebentang assets para hindi na ito ipasa mga konsumer.