Murang mabibili ang sili sa Davao City kumpara sa mga pamilihan sa Metro Manila at Luzon.
Sa Bankerohan Public Market, nasa P100 hanggang P250 ang kada kilo ng sili depende sa klase.
kumpara ito sa P600 hanggang P1,000 na kada kilo sa Metro Manila gaya nang napaulat noong mga nakaraang linggo.
Paliwanag ng mga nagtitinda, hindi naman apektado ng kalamidad ang Davao Region kaya’t walang paggalaw ang presyo ng mga agricultural product.
Gayunman, sakali anilang may tumamang malakas na bagyo tulad ng ‘Ompong’ sa Mindanao ay tiyak na taas ang presyo ng sila at iba pang uri ng gulay.